Robert Boyle
Si Robert Boyle (25 Enero 1627 – 31 Disyembre 1691) ay isang pilosopong makakalikasan noong ika-17 daantaon. Isa rin siyang kimiko, pisiko, at imbentor. Ipinanganak sa Lismore, County Waterford, Irlanda, nakikilala rin siya dahil sa kaniyang mga sulatin na pangteolohiya.
Bagaman ang kaniyang pananaliksik ay malinaw na mayroong mga pinag-ugatan mula sa tradisyon pang-alkimiya, malawak na itinuturing si Boyle sa kasalukuyan bilang ang unang modernong kimiko, kung kaya't isa siya sa mga tagapagtatag ng modernong kimika, at isa mga tagapagsimula ng modernong eksperimental ng metodong siyentipiko. Higit na nakikilala siya dahil sa batas ni Boyle,[1] na naglalarawan sa ugnayang katumbas na pabaligtad na nasa pagitan ng presyong ganap (absolute pressure) at bolyum ng isang gas, kapag ang temperatura ay pinananatili sa loob ng isang sistemang nakasara.[2][3] Kabilang sa mga nagawa niya ang The Sceptical Chymist na tinatanaw bilang isang aklat na "panulukang bato" (sa diwa ng pagiging isang "haligi" o "sandigan") ng larangan ng kimika.
Larangan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong nasa kabataan pa si Robert Hooke, naging trabahador siya ni Boyle bilang isang tagagawa ng mga instrumentong pang-agham at bilang isang katulong sa larangan. Nagpatuloy silang nagtutulungan noong panghawakan ni Hooke ang mga eksperimento sa Samahang Royal.
Ang pangunahing pinagtuonan ni Boyle noong siya ay nabubuhay pa ay ang pananaliksik na pang-agham. Sumali siya sa isang pangkat na tinawag bilang "Dalubhasaang Hindi Nakikita".[4] Kabahagi siya ng pangkat na nagtatag ng Samahang Royal noong 1660.[5]
Bagaman isa siyang alkimista, si Boyle ay isa ring modernong kimiko. Naging mahalaga ang kaniyang aklat na The Sceptical Chymist (1661) sa kasaysayan ng kimika.
Sa relihiyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bilang direktor ng East India Company, naglaan si Boyle ng malaking halaga ng salapi sa pagtataguyod ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa Silangan. Liberal siyang nag-ambag sa mga samahang misyonero at sa mga gastusin ng pagsasalinwika ng Bibliya o mga bahagi nito papunta sa sari-saring mga wika.
Sinuportahan ni Boyle ang patakaran na ang Bibliya ay dapat na maging nasa wika ng mga tao, na kabaligtaran ng patakaran na nasa wikang Latin lamang ng Simbahang Katoliko Romano noong kaniyang kapanahunan.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Acott, Chris (1999). "The diving "Law-ers": A brief resume of their lives". South Pacific Underwater Medicine Society journal. 29 (1). ISSN 0813-1988. OCLC 16986801. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Abril 2011. Nakuha noong 17 Abril 2009.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Levine, Ira. N (1978). "Physical Chemistry" University of Brooklyn: McGraw-Hill
- ↑ Levine, Ira. N. (1978), nagbibigay ang pahina 12 ng orihinal na kahulugan.
- ↑ Kassell, Lauren. "Invisible College (act. 1646-1647)," Oxford Dictionary of National Biography
- ↑ "Robert Boyle’s astonishing scientific wishlist," The Royal Society: 350 Years of Science (ekshibisyon). Hunyo 2010.