Pumunta sa nilalaman

Sistemang integumentaryo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang mga patong ng balat ng tao.
Ang payak na anatomiya ng balat. Mga patong: 1. epitelyum, 2. saping lamad (basement mebrane), 3. dermis, at 4. subcutis.
Anatomiya ng kuko ng tao.
Anatomiya ng isang hibla ng buhok.
Mga bahagi ng isang balahibo ng isang ibon.
Malapitang tingin sa mga kaliskis ng isang isda.

Sa sootomiya, ang sistemang integumentaryo o pamamaraang pangsangkabalatan ay isang panlabas na takip ng katawan, na binubuo ng balat, buhok, mga balahibo, kaliskis, mga kuko, mga glandulang pampawis at ang kanilang mga bunga (ang pawis at mucus). Maraming magkakaibang mga tungkulin ang sistemang integumentaryo: sa mga hayop, nagsisilbi ito bilang mga panlaban sa pagtagos ng tubig, mga malalambot na saping nagsasanggalang sa mga nakapailalim na mga tisyu, mga tagapaglabas ng mga dumi, mga tagapagpanatili ng temperatura, at bilang mga lokasyon ng mga pandama ng sakit, presyon at temperatura. Hinango ang pangalan ng sistema mula sa wikang Lating integumentum na ang ibig sabihin ay "isang takip".

Bilang isang organo ng sistema

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Karaniwan na ang sistemang integumentaryo ang pinakamalaking organo ng sistema ng isang hayop kung susukatin ang kalawakan ng nasasakop na kalatagan. Tinutulungan nitong kumilala, maghiwalay, magsanggalang at makaalam ng mga bagay-bagay na nasa kapaligiran ang isang hayop. Humihinga ang mga imbertebradong may maliliit na mga katawan (mga hayop na nabubuhay sa tubig o sa mga kapaligirang tuluy-tuloy ang pamamasa) sa pamamagitan ng panlabas na patong ng kanilang mga katawan (tinatawag na integument sa wikang Ingles). Ang pamamaraang ito ng pagpapalitan ng mga hangin, kung saan ang mga hangin o gas ay payak na kumakalat lamang patungo at palabas ng pluidong interstisyal, ay tinatawag na pagpapalitang integumentaryo (Ingles: integumentary exchange).

Ang lamad na kutanyo o kutis at ang kaniyang mga kalangkap ng mga kayarian (ang mga buhok, kaliskis, balahibo, kuko, glandulang exocrine) ang bumubuo sa sistemang integumentaryo.

May tatlong patong ang balat:

  1. Epidermis
  2. Dermis
  3. Tisyung subkutanyo o subcutis (Ingles: subcutaneous tissue)

Sa ilalim ng dermis, gumaganap ang subcutis bilang pananggalang ng mga nakapailalim ng mga masel, mga tisyu, at ibang mga organo. Tumutulong ang mga buhok sa ibabaw ng balat sa pagpapanatili ng temperatura ng katawan at maging sa pagsala ng mga nakapipinsalang mga alikabok.

Kabilang sa mga glandulang kutanyo ang mga sumusunod:

Ang epidermis ay isang manipis na panlabas na patong ng balat na may melanin at siyang nagbibigay sa balat ng kulay at umaayon sa pagpapaitim ng balat. Tumutulong din ang carotene at ang hemoglobin na mayaman sa oksiheno sa pagbibigay-kulay sa balat. Naglalaman din ang epidermis ng protinang keratin na nakapagpapatigal sa tisyung epidermal upang mabuo ang mga kuko ng mga kamay at ng mga paa. Kinabibilangan ng 25-30 mga patong ng mga patay na selula ang pinakalabas na patong. May mga nakapailalim ding mga:

  1. Makaliskis na mga selula na bumubuo sa kapatagan ng balat
  2. Mga melanocyte na nagbibigay ng kulay sa balat
  3. Mga selulang Langerhans na nabubuo sa loob ng loob ng buto at gumaganap bilang pananggalang sa impeksiyon

Nahahati ito sa mga sumusunod na mga pang-ilalim na sapin:

Mga pang-ilalim na sapin

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang epidermis ay nahahati sa mga sumusunod na 5 mga pang-ilalim na sapin o istrata:

  1. Stratum corneum
  2. Stratum lucidum
  3. Stratum granulosum
  4. Stratum spinosum
  5. Stratum germinativum (na tinatawag ding stratum basale)

Ang dermis ang siyang pinakailalim at makapal na panloob na patong ng balat, na may mga sisidlan ng dugo, tisyung pandugtong, mga ugat-pandaman, mga sisidlan ng limpa, mga glandulang pampawis at mga punong-katawan ng buhok. Mayroon itong dalawang mga pangunahing mga patong:

  1. Pang-itaas na papilaryo: Naglalaman ng mga panalat na nakikipag-ugnayan sa sentro ng sistemang nerbyos at siyang may kagagawan sa mga tiklop sa mga bakas ng daliri.
  2. Pang-ibabang retikular: Na yari sa mga malalambot at nababanat na mga himaymay na nagsisilbing tahanan ng mga ugat ng buhok, nerb, at glandula.

Ang titi ay kabahagi ng sistemang integumentaryo. May sobrang patong na balat ang titi na tinatawag na dermis ng titi. Masyado itong sensitibo.

Mga tungkulin

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Maraming mga tungkulin ang sistemang integumentaryo sa homeostasis. Ang lahat ng mga sistemang pangkatawan ay nagtatrabaho na may kaugnayan sa isa't isa upang mapanatili ang katayuang panloob na mahalaga sa mga gawain ng katawan. May importanteng tungkulin ang balat sa pagsasanggalang ng katawan at gumaganap samakatuwid bilang unang hanay na pananggalang ng katawan laban sa mga paglusob ng mga bakterya o birus, laban sa pagbabago sa temperatura o ibang mga pagsubok sa homeostasis. Kasama sa mga tungkulin ng sistemang integumentaryo ang mga sumusunod:

Mga karamdaman at kapinsalaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isinasagawa ng mga dermatologo ang katangi-tanging paggagamot ng sistemang integumentaryo. Kabilang sa mga maaaring maging karamdaman at pinsala sa sistemang integumentaryo ng tao ang mga susumusunod:

Sa botaniya, ang integumento (Ingles: integument) ay ang balot ng isang obyul.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Kardong, Kenneth V. (1998). Vertebrates: Comparative Anatomy, Function, Evolution (Mga bertebrado: Anatomiyang pinaghambing) (ika-pangalawang edisyon (na) edisyon). Estados Unidos: McGraw-Hill. pp. 747 pahina. ISBN 0-07-115356-X/0-697-28654-1. {{cite book}}: Check |isbn= value: invalid character (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]