Teleserye
Ang artikulong ito ay nangangailangan ng mas marami pang mga kawing sa iba pang mga lathalain upang matugunan ang mga pamantayan pangkalidad ng Wikipedia. (Disyembre 2013) |
Ang Telebisyong Drama sa Pilipinas, o mas kilala bilang Teleserye, Pilipinong telenobela o P-drama, ay isang uri ng melodramatic serialized fiction sa telebisyon sa Pilipinas. Ang Teleserye ay nagmula sa dalawang salitang Filipino: "tele", na kung saan ay maikli para sa "telebisyón" (telebisyon) at "sérye" (serye).
Ang mga teleserye ay nagbabahagi ng ilang mga katangian at may magkatulad na pinagmulan ng mga klasikong soap opera at telenovelas, ngunit ang teleserye ay umusbong sa isang genre na may kanya-kanyang natatanging katangian, na madalas na gumaganap bilang isang realistang sosyalista na repleksyon ng reyalidad ng Pilipino. Ang Teleseryes ay naipalabas sa prime-time, hapon, limang araw sa isang linggo. Nakakaakit sila ng malawak na madla na tumatawid sa mga linya ng edad at kasarian, at inuutos ang pinakamataas na rate ng advertising sa industriya ng telebisyon sa Pilipinas. Ang serye ay tatagal kahit saan mula sa tatlong buwan hanggang isang taon, o kahit na mas mahaba, depende sa kanilang rating.
Ang iba pang mga porma ng dramas sa Pilipinas ay may kasamang "serials" at "anthologies", na karaniwang ipinapakita sa lingguhan. Ang mga drama na ito ay inilaan din upang magpalabas ng isang may hangganang bilang ng mga yugto na karaniwang tumatagal ng isang panahon depende sa mga rating.
Pasimula
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagsimula ang pagpapalabas ng mga Soap Opera sa Pilipinas noong ang Gulong ng Palad ay unang narinig sa radio noong taong 1949. Lalo pa itong lumawak pati na rin sa telebisyon noong early 1960s. Ang kauna-unahang Philippine Soap Opera ay ang Hiwaga sa Bahay na Bato noong 1963, na ipinalabas ng ABS-CBN. Liwanag ng Pag-ibig, Prinsipe Amante, at iba pang mga soap operas na sumunod.
Ang mga “soaps” ay karaniwang ipinapalabas tuwing umaga, ngunit noong 1996, naurong ang pagpapalabas ng mga soap opera sa gabi dahil sa popularidad na nakuha ng isang Mexican telenovela na pinamagatang Marimar na inere ng RPN 9 dito sa Pilipinas. Ito ang naging simula ng pagkasikat ng mga telenovelas sa Pilipinas. Ang mga malalaking TV networks ay sinunod din ito sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga local at foreign telenovelas sa kani-kanilang mga napiling oras.
Noong taong 2000, gumawa ng marka ang ABS-CBN noong ipinalabas nila ang Pangako Sa ‘Yo, kilala bilang kauna-unahang opisiyal na teleserya, at ang Kay Tagal Kang Hinintay. Ang mga teleseryeng ito ang nagtakda ng pamatayan para sa mga kasalukuyang produksiyon ng teleserye sa Pilipinas. Itong bagong genre ay naging sikat sa buong bansa, at ang popularidad nito ay kumalat pa maging sa ibang bansa. At dahil dito, ang mga soap operas na ipinapalabas sa telebisyon ay karaniwan nang tinatawag na habang ang GMA Network naman ay tinawag ang kanilang mga soap operas na teledrama..
Klasikal na P-Drama
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga Kuwento
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang temang nakapaloob sa mga teleserye ay karaniwang tungkol sa lahat ng aspeto ng pag-ibig: pag-ibig sa pagitan ng mga nagmamahalan, pamilya at mga kaibigan. Ang isang sikat na balangkas ay umiikot sa pag-iibigan ng dalawang magkaibang indibidwal; madalas ay isang mayamang tao na napaibig sa isang taong kasalungat ng kanyang sitwasyon. Madalas ay pinaghihiwalay ang nag-iibigan ng masamang kapalaran o kaya ay third party, karaniwan din ay ang mga magulang at kamag-anak na nanghihimasok sa kanilang buhay.
Isa pang popular na tema ay tungkol naman sa paghahanap ng tauhan sa kanyang minamahal: maaari itong maging kanyang mga magulang, anak, o kaibigan; ang storya ay nagsisimula mula sa pagkabata ng bidang tauhan. Karaniwang ipinapakita sa simula na ang bata ay nahiwalay sa kanyang mga magulang noong isinilang, o kaya naman ay sa murang edad, dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari. Sa ibang pagkakataon, ang kontrabida ay nakikipagpalit ng kalagayan sa bida, o kaya naman ay makikilala ng bida yung ibang miyembro ng pamilya na nawalay sa kanya.
Pag-ibig, pagtataksil, pagseselos, katayuan sa buhay, at paghihiganti ang kadalasang mga elementong nakapaloob sa isang sikat na tema.
Mga Suliranin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isa sa mga karaniwang problema sa istorya na umiikot sa dalawang taong nagmamahalan ay kanilang malalaman na sila ay magkadugo; maaaring magkapatid na nagkahiwalay mula pa noong pagkasilang. O kaya naman ay mga tauhan na lumaking magkapatid at malalamang hindi pala sila totoong magkapatid.
Ang mga teleserye ay kilalang-kilala sa pagdadagdag ng mga bagong tauhan na maaaring makaabala sa iba pang tauhan ng istorya. Halimbawa ay makakakilala ang bidang babae ng ibang lalaking mamahalin. Magkakaroon ngayon ng pagtatalo sa pagitan ng dalawang bidang tauhan.
Mga Kontrabida
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga kontrabida ay binuo upang gawing kahabag-habag ang buhay ng isang bida. Sa mga lumang Filipino soap operas, ginawang impertinente, bayolente, at sakim ang mga kalaban. At dahil dito, tinawag silang mga “Kontrabida” na nagmula sa dalawang salita na “kontra” (Ingles: against) at “bida” (Ingles: lead character).
Ang mga kontrabida sa mga teleserye ay nagbago na mula sa dating bersiyon ng mga makalumang soap opera papunta sa hindi gaanong bayolente at mababang antas ng paghihiganti ng mga tauhan. Sa halip ay bumubuo o nagpapakita na lamang ang mga kontrabida sa mga teleserye ng mga suliraning tulad ng kabuwayan, pagkukulang sa pag-ibig at ng gusot.
Wakas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga kuwento ay karaniwang nagwawakas sa mga kontrabida na ang sinapit ay isang malagim na sitwasyon. Karaniwan, ang kalalabasan ay magtatagumpay ang bida; mapapanalunan ang pipi, ikakasal, magkakaroon ng anak sa isang minamahal, o kaya naman ay makukuha ang pinakamataas na posisyon sa isang kompanya.
Makabagong P-drama
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga Kuwento
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa makabagong panahon, maraming mga “classical love stories’ na sumikat noong 60s, 70s, at 80s ang muling binuhay para sa mga telebisyon. Karamihan sa mga drama ay binibigyang importansiya ang mga temang nakasentro sa showbiz, na may mga magkaibigan o magkapatid na naglalaban para sa kasikatan. Sa ngayon, ang mga Philippine Dramas ay masasabi nating mas magaan at nakakatuwa. Isang magandang halimbawa ay ang Precious Hearts Romances na nanggaling sa mga pocketbooks.
Mga Suliranin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mayroon paring malaking bahagi ang mga hindi malamang suliranin sa modernong teleserye. Karamihan sa mga ito ay kinakasangkapan ng kontrabida para sa kanyang mga maling gawain ang bida nang sa gayon ay lalo pa itong magdusa.
Wakas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pagwawakas sa mga modernong dramas sa ngayon ay lubos na naiba kumpara sa mga lumang drama na naisulat. Kung minsan ay makikitaan ng malaking pagbabago ang mga tauhan sa kuwento: madalas ay pinapatawad ng bida ang kontrabida sa kanyang mga nagawa. O kaya naman ay namamatay ang kontrabida sa huli.
Pagluluwas
[baguhin | baguhin ang wikitext]ABS-CBN ang nagsimulang magluwas ng kanilang mga dramas sa iba’t-ibang panig ng mundo. Ang teleseryeng “Pangako Sa ‘Yo” ay isa sa mga matagumpay na Philippine dramas sa ibang bansa. Maliban sa China, ang kuwento ng pag-iibigan nina Angelo Buenavista at Yna Macaspac ay nakaantig sa mga manonood sa Malaysia, Indonesia, Singapore, Cambodia, at maging sa Africa. Ayon sa salaysay ni Camobdian Nai Hiu Mei, “The teleserye, broadcasted here with Khmer dubbing, was so popular that many Cambodian babies are named Angelo.” Ayon din sa sinulat ni Meluse Kapatamoyo, isang manunulat sa The Times of Zambia, “The series has become a topic of discussion among families, friends and even neighbors who daily ponder on how the show would end.” Si René Lötter ng One African Television ay minsan ding sinabi na, “When is Pangako Sa ’Yo coming back?”
Ang teleseryeng Sana Maulit Muli ay inere din sa Taiwan. Ipinagpatuloy ng ABS-CBN hindi lang ipakilala ang mga teleserye sa mga iba’t-ibang kultura ng iba’t-ibang bansa kundi manalo rin ng mga gantimpala tulad ng Lobo (dubbed as She-Wolf: The Last Sentinel), kung saan nagkamit ito ng mga gantimpala at nominasyon sa ibang bansa tulad ng Best Telenovela Award sa 30th BANFF World Television Festival sa Toronto at isang nominasyong International Emmy para sa pangunahing tauhan na si Angel Locsin. Isa pang palabas na pinamagatang Eva Fonda ay nagkamit din ng mga gantimpala galing sa Seoul International Drama Awards na kung saan ang pangunahing tauhan na si Cristine Reyes ay nakakuha ng nominasyon bilang Best Leading Actress at isang espesyal na gantimpala para sa palabas. Ang Boys Nxt Door naman ng GMA Network ang kauna-unahang Philippine TV series na ipinalabas sa lokal na broadcasting network sa Korea, at ang kanilang palabas na Mga Mata ni Anghelita ay inere naman sa Mexico.
Tignan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]1. http://en.wikipedia.org/wiki/Philippine_drama