Vetus Latina
Itsura
Ang Vetus Latina ay isang kolektibong pangalang ibinigay sa mga teksto ng Bibliya sa wikang Latin bago ang saling Latin ni Jeronimo na tinatawag na Vulgata(382-405 CE) ay naging pamantayang Bibliya ng nagsasalita ng Latin na mga Kanluraning Kristiyano. Ang pariralang Vetus Latina ay Latin para sa "Lumang Latin" at ang Vetus Latina ay minsang kilala bilang "Bibliyang Lumang Latin".[1] Gayunpaman, ito ay isinulat sa Huling Latin at hindi ang maagang bersiyon ng wikang Latin na kilala bilang Lumang Latin. Ito ay minsang kilala rin bilang Itala (katulad ng sa pragmento ng Quedlinburg Itala).
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ W.E. Plater and H.J. White, A Grammar of the Vulgate, Oxford at the Clarendon Press, 1926, paragraph 4