Volodymyr Zelenskyy
Volodymyr Zelenskyy | |
---|---|
Володимир Зеленський | |
ika-6 Pangulo ng Ukranya | |
Kasalukuyang nanunungkulan | |
Unang araw ng panunungkulan 20 Mayo 2019 | |
Punong Ministro | Volodymyr Groysman Oleksiy Honcharuk Denys Shmyhal |
Nakaraang sinundan | Petro Poroshenko |
Personal na detalye | |
Isinilang | Volodymyr Oleksandrovych Zelenskyy 25 Enero 1978 Kryvyi Rih, Ukrainian SSR, Soviet Union (now Kryvyi Rih, Ukraine) |
Partidong pampolitika | Walang ka-partido |
Ibang ugnayang pampolitika | Servant of the People (2018–kasalukuyan) |
Edukasyon | Kyiv National Economic University |
Trabaho |
|
Si Volodymyr Oleksandrovych Zelenskyy (Ukranyo: Володимир Олександрович Зеленський; ipinanganak 25 Enero 1976) ay isang Ukranyong politiko, aktor, komedyante, at direktor na naging pangulo ng Ukranya mula 2019. Naging popular sa masa noong 2019 election, pingako ni Zelenskyy ang pagtugon sa katiwalian sa gobyerno. Nanalo si Zelenskyy bilang pangulo, tinalo niya ang dating Pangulong si Petro Poroshenko sa isang landslide victory na may 73.2 porsyentong boto.[1][2]
Tensyon sa Rusya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa pagitan ng 2021 hanggang 2022, ang pangangasiwa ni Zelenskyy ay puno ng pagsubok dahil sa mga babala ng Pangulo ng Rusya na si Vladimir Putin. Dahil dito, sa kapalyahan ng pakikipagugnayan ng dalawang bansa, naganap ang buong pagsalakay ng bansang Rusya sa Ukranya noong Pebrero 2022. Bago mangyari ito, ayon kay Zelenskyy, ang kanyang estratehiya bilang tugon sa military buildup ng Rusya ay pakalmahin muna ang mga mamamayan ng Ukranya at inaasahan na hindi gaganti ang bansa sa pag-atake ng Rusya.[3] Sa una, pinanghihinayaan niya ang posibilidad ng giyera pero kalaunan ay humingi siya ng tulong sa NATO.[4] Pagkatapos ng pagsalakay ng bansang Rusya, ipinatupad ni Zelenskyy ang batas militar sa buong bansa.
Noong Enero 26, 2023, nakipag-ugnanyan si Zelenskyy sa Estados Unidos at Alemanya na pakibilisan ang pagbibigay ng tangke sa bansa. Ito ay matapos inanunsyo ng dalawang bansa ang pagpapadala ng mga Abrams at Leopard tanks sa Ukranya.[5]
Noong Enero 27, 2023 maraming opisyales sa Ukranya ang bumitiw sa kanilang puwesto matapos sugpuin ng administrasyong Zelenskyy ang anumang alegasyon ng katiwalian. Ito ay dahil sa paghihigpit sa pagpapadala ng armas ng Estados Unidos, gayundin sa nawawalang tiwala ng publiko sa gobyerno ng Ukranya.[6]
Mga Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Comedian Volodymyr Zelenskiy has won 73% of the vote in Ukraine's election, an exit poll suggests". The Independent (sa wikang Ingles). 2019-04-21. Nakuha noong 2022-03-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Karmanau, Yuras. "Comedian who plays president on TV headed for landslide victory in Ukraine's presidential election". chicagotribune.com. Nakuha noong 2022-03-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Conflict in Ukraine". Global Conflict Tracker (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Pebrero 2022. Nakuha noong 2022-02-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Seibt, Sébastian (18 Pebrero 2022). "Military tactics: Zelensky plays both sides in Ukrainian crisis". France 24 (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Pebrero 2022. Nakuha noong 19 Pebrero 2022.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ukraine war: Zelensky urges speedy delivery of Western tanks". BBC News (sa wikang Ingles). 2023-01-26. Nakuha noong 2023-01-29.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Ukraine declares war on its other enemy - corruption". BBC News (sa wikang Ingles). 2023-01-27. Nakuha noong 2023-01-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)