Zamboanga (lalawigan)
Lalawigan ng Zamboanga Province of Zamboanga Provincia de Zamboanga | |||||
Dating lalawigan ng Pilipinas | |||||
| |||||
Kinaroroonan ng lalawigan ng Zamboanga | |||||
Kabisera | Zamboanga (1914–1942) Dipolog (1942–1952) | ||||
Panahon sa kasaysayan | Panahong ng pananakop ng Amerikano sa Pilipinas | ||||
- | Itinatag | 1 Setyembre 1914 | |||
- | Binuwag | 17 Setyembre 1952 | |||
Ngayon bahagi ng | Basilan, Lungsod ng Zamboanga, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay |
Ang Zamboanga (pagbigkas: zam•bo•áng•ga) ay dating lalawigan ng Pilipinas na sumasakop sa tangway ng Zamboanga sa Mindanao. Ginawang ganap na lalawigan ang Distrito ng Zamboanga sa ilalim ng Departamento ng Mindanao at Sulu noong Setyembre 1, 1914[1] sakop nito ang ngayo'y mga lalawigan na ng Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Basilan at Lungsod ng Zamboanga na nagsilbing kabisera nito bago ito naging lungsod noong 1936.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Una itong itinatag na distrito noong panahon ng Kastila, at nang inorganisa ng mga Amerikano ang Mindanao noong 1903, ito'y naging bahagi ng Lalawigang Moro. Noong 1914, binuwag ang Lalawigang Moro at pinalitan ng Departamento ng Mindanao at Sulu na binuwag naman noong 1920. Sa ilalim ng Departamento, ang mga distrito gaya ng Zamboanga ay inorganisa bilang lalawigan na may kani-kaniyang gobernador.
Nang isabatas ang Batas Komonwelt Blg. 39 na nagtatatag ng Lungsod ng Zamboanga, ihiniwalay sa hurisdiksiyon ng lalawigan noong 1936 ang mga munisipalidad ng Zamboanga, Bolong, Isabela; mga distrito munisipal ng Taluksangay, Lamitan, at Maluso, kasama ang buong pulo ng Basilan at mga karatig nitong pulo.[2]
Noong 1952, naipasá sa pagsusulong ng kinatawan ng lalawigan Roseller T. Lim ang Batas Republika Blg. 711[3] na naghahati sa lalawigan ng Zamboanga. Ang mga bayan ng Dapitan, Rizal, Dipolog, Katipunan, Sindangan, Labason, Siocon, Polanco, New Piñan, Liloy, at Manukan ay naging bahagi ng Zamboanga del Norte. Samantalang naging bahagi ng Zamboanga del Sur ang mga natitirang bayan ng Molave, Aurora, Labangan, Pagadian, Dimataling, Margosatubig, Ipil, Kabasalan, Dinas, Malangas, at Alicia.
Pamahalaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kahalintulad ng mga lalawigang nakapailalim sa Departamento, ang pamahalaan ng lalawigan ng Zamboanga ay pinangasiwaan ng Lupong Panlalawigan na binubuo ng isang gobernador, kalihim–ingat-yaman, na kapwa itinatalaga ng gobernador ng Departamento; at ikatlong kagawad ng lupon na hinahalal ng mga konsehal ng mga munisipalidad at distrito munisipal ng lalawigan.[1]
Mga namuno
[baguhin | baguhin ang wikitext]# | Gobernador[4] | Panunungkulan |
---|---|---|
1 | Luis G. Lim | 1914–1917 |
2 | Agustin Alvarez | 1917–1922 |
3 | Florentino A. Saguin | 1922–1925 |
4 | Jose D. Aseniero | 1925–1928 |
5 | Agustin Alvarez | 1928–1931 |
6 | Carlos H. Camins | 1931–1934 |
7 | Felipe Ramos | 1934–1937 |
8 | Matias C. Ranillo | 1937–1940 |
9 | Felipe B. Azcuna | 1940–1945 |
10 | Agustin Alvarez | |
11 | Leon Barinaga | |
12 | Efren Peña | |
13 | Lazaro Alfabeto | 1945–1946 |
14 | Leoncio Hamoy | 1946–1947 |
15 | Felipe Azcuna | 1948–1949 |
16 | Serapio Datoc | 1949–1951 |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Act No. 2408.
- ↑ Commonwealth Act No. 39
- ↑ Republic Act No. 711.
- ↑ "Province of Zamboanga - Zamboanga del Norte Governors". The Daily Dipolognon. Nakuha noong 19 Agosto 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)