Pumunta sa nilalaman

Baguio

Mga koordinado: 16°24′43″N 120°35′36″E / 16.4119°N 120.5933°E / 16.4119; 120.5933
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Baguio

(sa Ilokano) Ciudad ti Baguio

Lungsod ng Baguio
City of Baguio
Panoramang urbano ng Baguio
Panoramang urbano ng Baguio
Watawat ng Baguio
Watawat
Palayaw: 
Baguio City
Mapa ng Benguet na nagpapakita sa lokasyon ng Baguio
Mapa ng Benguet na nagpapakita sa lokasyon ng Baguio
Map
Baguio is located in Pilipinas
Baguio
Baguio
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 16°24′43″N 120°35′36″E / 16.4119°N 120.5933°E / 16.4119; 120.5933
Bansa Pilipinas
RehiyonRehiyong Administratibo ng Cordillera
Distrito— 1430300000
Mga barangay129 (alamin)
Pagkatatag1900
PistaPanagbenga
Pamahalaan
 • Punong LungsodBenjamin Magalong (Nationalist People's Coalition)
 • Pangalawang Punong LungsodFaustino Olowan (PDP-Laban)
 • KinatawanMarquez Go (NP)
 • Manghalalal168,218 botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan57.51 km2 (22.20 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan366,358
 • Kapal6,400/km2 (16,000/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
100,220
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng lungsod
 • Antas ng kahirapan1.00% (2021)[2]
 • Kita(2020)
 • Aset(2020)
 • Pananagutan(2020)
 • Paggasta(2020)
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigong Pangsulat
2600
PSGC
1430300000
Kodigong pantawag74
Uri ng klimaTropikal na kagubatang klima
Mga wikaWikang Kankanaey
Wikang Ibaloi
Wikang Iloko
wikang Tagalog
Websaytbaguio.gov.ph

Ang Baguio (bigkas /bá·gyo/) ay isang 1st-class highly urbanized na lungsod sa hilagang Luzon sa Pilipinas at ang punong-lungsod ng Cordillera Administrative Region. Napapalibutan ito ng probinsiya ng Benguet. Itinatag ang Baguio ng mga Amerikano noong 1900 bilang isang bakasyonan sa panahon ng tag-araw sa isang nayon ng mga Ibaloi na dating tinatawag na Kafagway. Ginawang "Summer Capital" ang lungsod noong 1 Hunyo 1903 ng "Philippine Commission" at idineklarang lungsod ng "Philippine Assembly" noong 1 Setyembre 1909. Ang pangalang Baguio ay hango sa salitang Ibaloi na bagiw na ang ibig sabihin ay 'lumot'. Tinatayang nasa mahigit-kumulang sa 1500 metro (5100 talampakan) ang taas ng lungsod na naaayon para sa paglaki at pagdami ng mga punong pino at mga halamang namumulaklak.

Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 366,358 sa may 100,220 na kabahayan.

Heograpiya

Ang Lungsod ng Baguio ay matatagpuan sa bulubundukin ng Cordillera Central sa hilagang Luzon. Ito'y napapaligiran ng probinsiya ng Benguet. Ang kabuuang sukat ng lungsod ay 57.5 kilometro kwadrado. Ang ayos ng lungsod ay naaayon sa naunang plano ng tanyag na arkitektong si Daniel Burnham. Ang bahay-pamahalaan ng lungsod ay itinayo sa mismong gitna ng lungsod.

Ang Lungsod ng Baguio ay kilala dahil sa kanyang katamtamang klima. Dahil sa kanyang taas, ang temperatura ng lungsod ay mas mababa ng 8 sentigrado kumpara sa temperatura sa mga mabababang lugar. Maburol ang kabuuan ng lungsod at ang kanyang mga lansangan ay ginawa ayon sa ayos ng lupa.

Klima

Ayon sa klasipikasyon ng klima ng Köppen, ang Baguio ay may isang subtropiko klima sa mataas na lugar (Cwb), malapit sa monsoon tropikal na klima (Am). Ang lungsod ay kilala para sa kanyang mapagpigil na klima.

Datos ng klima para sa Baguio (1981–2010, extremes 1909–2012)
Buwan Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Ago Set Okt Nob Dis Taon
Sukdulang taas °S (°P) 29.7
(85.5)
28.7
(83.7)
30.4
(86.7)
30.0
(86)
29.4
(84.9)
28.7
(83.7)
27.9
(82.2)
27.7
(81.9)
28.0
(82.4)
27.7
(81.9)
28.2
(82.8)
28.2
(82.8)
30.4
(86.7)
Katamtamang taas °S (°P) 23.3
(73.9)
24.1
(75.4)
25.2
(77.4)
25.8
(78.4)
25.0
(77)
24.4
(75.9)
23.4
(74.1)
22.6
(72.7)
23.4
(74.1)
23.9
(75)
24.1
(75.4)
23.5
(74.3)
24.0
(75.2)
Arawang tamtaman °S (°P) 18.1
(64.6)
18.7
(65.7)
19.9
(67.8)
20.8
(69.4)
20.7
(69.3)
20.5
(68.9)
19.8
(67.6)
19.4
(66.9)
19.7
(67.5)
19.8
(67.6)
19.6
(67.3)
18.6
(65.5)
19.6
(67.3)
Katamtamang baba °S (°P) 12.9
(55.2)
13.4
(56.1)
14.5
(58.1)
15.9
(60.6)
16.4
(61.5)
16.5
(61.7)
16.3
(61.3)
16.2
(61.2)
16.0
(60.8)
15.7
(60.3)
15.1
(59.2)
13.7
(56.7)
15.2
(59.4)
Sukdulang baba °S (°P) 6.3
(43.3)
6.7
(44.1)
7.4
(45.3)
10.0
(50)
7.7
(45.9)
N/A 12.5
(54.5)
12.8
(55)
12.6
(54.7)
11.3
(52.3)
9.2
(48.6)
7.6
(45.7)
6.3
(43.3)
Katamtamang pag-ulan mm (pulgada) 15.2
(0.598)
23.4
(0.921)
46.0
(1.811)
104.1
(4.098)
341.1
(13.429)
475.8
(18.732)
781.9
(30.783)
905.0
(35.63)
570.9
(22.476)
454.3
(17.886)
97.4
(3.835)
26.2
(1.031)
3,841.4
(151.236)
Araw ng katamtamang pag-ulan (≥ 0.1 mm) 3 3 5 9 20 22 26 27 24 17 8 4 168
Katamtamang kahalumigmigang relatibo (%) 85 84 83 84 88 89 92 93 91 89 86 84 87
Sanggunian: PAGASA[3][4]

Demograpiko

Senso ng populasyon ng
Baguio
TaonPop.±% p.a.
1918 5,464—    
1939 24,117+7.33%
1948 29,262+2.17%
1960 50,436+4.64%
1970 84,538+5.29%
1975 97,449+2.89%
1980 119,009+4.08%
1990 183,142+4.41%
1995 226,883+4.09%
2000 252,386+2.31%
2007 301,926+2.50%
2010 318,676+1.98%
2015 345,366+1.54%
2020 366,358+1.17%
Sanggunian: PSA[5][6][7][8]


Kasaysayan

Ang lugar na kung saan nakatayo ang lungsod ay unang tinirhan ng mga katutubong Ibaloi at Kankana-ey. Una itong naging pastulan ng mga baka at mga iba pang alagang hayop. Noong panahon ng pamamhala ng mga Kastila hindi gaano binigyang pansin ang lugar.

Dahil sa klima ng lugar, nahikayat ang mga Amerikano na ayusin ang lugar bilang isang bakasyonan. Noong taong 1901, inumpisahang gawin ang "Kennon Road". Sa pamumuno ng mga Amerikano at sa tulong ng mga manggagawang Pilipino at mga Hapon, inukit ang daanang ito sa pagitan ng mga bundok at sinusundan ang ilog ng Bued mula sa bayan ng Rosario sa lalawigan ng La Union hangang sa Kafagway. Naging madali ang paglalakbay patungo sa lugar na ito, at pagkatapos ng ilang taon ay lumaki ang populasyon. Idineklarang "Summer Capital" ng "Philippine Commission" ang lungsod noong 1 Hunyo 1903. Noong 1904, inatasan ang sikat na arkitekto na si Daniel Burnham na gawan ng plano ang pagpapaunlad ng lungsod. Noong 1 Setyembre 1909 ay idineklarang lungsod and Baguio ng "Philippine Assembly".

Isa ang Lungsod ng Baguio sa mga unang binomba ng pwersa ng Imperyo ng Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Madaling nasakop ng mga Hapon a lugar. Sa pagbalik ng mga Amerikano sa mga huling buwan ng digmaan, sa lungsod umatras ang karamihan ng mga sundalong Hapon sa Luzon kasama na si Hen. Tomoyuki Yamashita. Noong 3 Setyembre ay pormal na isinuko ni Hen. Yamashita sa mga hukbong Amerikano at Pilipino ang mga natitirang puwersa ng Imperyo ng Hapon sa Pilipinas. Ito ay ginanap sa "Camp John Hay" na matatagpuan sa silangang bahagi ng lungsod.

Patuloy ang pagunlad ng lungsod pagkatapos ng digmaan hangang noong ika-16 Hulyo taong 1990, naranasan ng mga residenta ng lungsod ang isa sa pinakamalakas na lindol na tumamasa bansa. Maraming mga nasirang gusali at maraming mga tao ang nasawi. Karamihan sa mga gusaling nasira ay mga hotel.

Sa 1 Setyembre ng taong 2009 ay gaganapin ang pagdiriwang ng ika-100 taon anibersaryo ng lungsod.

Ekonomiya

Mga ibinebentang walis sa pamilihan ng Baguio

Ang Ekonomiya ng Lungsod ng Baguio ay nakadepende sa kanyang kinaroroonan at sa kanyang klima. Maraming mga Unibersidad ang umusbong dito dahil sa dami ng mga magaaral na gustong magaral sa lugar na tahimik at malamig. Madali rin itong puntahan kahit ito ay nasa mabundok na lugar. Ito rin ang centro ng kalakalan sa Cordillera. Karamihan ng mga kalakal ng mga kalapit na probinsiya ay dumadaan muna sa lingsod bago ito maipamahagi sa mga ibang probinsiya. Dahil sa kanyang klima, ang lungsod ang karaniwang bakasyonan ng mga turistang galing sa mga kalapit na probinsiya at maging mga turistang dayuhan lalo na sa tag-araw.

Matatagpuan din sa lungsod ang isang sangay ng "Philippine Economic Zone Authority" na nagbibigay kabuhayan sa mga residente ng lungsod. Karamihan sa mga produktong ginagawa sa lugar an ito ay iniluluwas sa ibang bansa.

Sentro ng Edukasyon sa Hilagang Luzon

Philippine Military Academy

Tinatawag na "university town" ang Lungsod ng Baguio. Ayon sa ginawang senso noong 2007, halos kalahati ng populasyon ng lungsod ay mga magaaral. Mayroong bilang na 141,088 ang naitalang mga magaaral na karamihan ay galing pa sa mga kalapit na mga probisya. Maraming mga bahay paupahan ang naitayo para magsilbing tirahan ng mga magaaral. Karamihan sa mga gamit sa pagaaral ay sa lungsod din binibili. Dahil dito, maraming mga negosyong nakabase sa edukasyon ang umusbong.

Mayroong walong pangunahing institusyon o pamantasan ang matatagpuan dito. Dahil sa mga ito, and Lungsod ng Baguio ay ang sentro ng edukasyon sa buong hilagang luzon.

  1. "University of the Philippines" - ang pambansang pamantasan ng Pilipinas.
  2. "Philippine Military Academy"
  3. "Saint Louis University"
  4. "University of the Cordilleras" - ang pinakamatandang pamantasan sa CAR
  5. "University of Baguio"
  6. "Pines City Colleges"
  7. "Baguio Central University"
  8. "Easter College"
  9. Data Center College of the Philippines.

May mga institusyon din na tumatangap ng mga dayuhang mag-aaral. Karamihan sa mga dayuhang ito ay pumupunta sa lungsod para mag-aral ng salitang Ingles, o kaya'y para makapag-aral sa isa sa mga kilalang pamantasan sa lungsod. Karamihan sa kanila ay mga Koreano, Indiyano, at mga taga Nepal.

Turismo

Lawa ng Liwasang Burnham

Dahil sa klima, mga magagandang tanawin, at sa mga makasaysayang lugar sa lungsod, maraming mga turista ang gustong magbakasyon dito. Sa panahon ng tag-araw, halos nadodoble ang populasyon ng lungsod dahil sa dami ng mga dumadayo dito[9]. Dahil dito, mahigit sa walumpong hotel ang naitayo sa lungsod[10]. Marami ding mga bahay paupahan ang nagsislbing pansamantalang tirahan ng mga turista.

Ang Panagbenga Festival ang isa sa mga pangunahing kaganapan sa Lungsod ng Baguio na humuhikayat sa mga turista na akyatin ang lungsod. Ito ay isang buwang pagdiriwang na binibigyang halaga ang kagandahan ng kalikhasan sa panahon ng pamumulaklak ng mga halaman.

Dahil din sa turismo, umusbong ang mga iba't ibang mga negosyo na nagbibigay serbisyo ayon sa mga pangangailangan ng mga turista.

Sentro ng Kalakalan sa Cordillera

Karamihan ng mga produktong galing sa mga kalapit probinsiya ng Cordillera ay iniimbak muna sa lungsod bago ito maipamahagi sa buong bansa. Karamihan sa mga produktong ito ay mga gulay na bihirang tumubo sa mga maiinit na lugar. Naging kilala ang lungsod bilang bilihan ng mga gulay na may mataas ka kalidad.

"Baguio City Economic Zone"

Isa sa mga pinakaprudoktibong lugar ng "Philippine Economic Zone Authority" ay matatagpuan sa lungsod. Karamihan sa mga produktong ginagawa dito ay iniluluwas sa ibang bansa. Ang mga dayuhang kompanya dito ang syang nagbibigay kabuhayan sa mga residente ng lungsod. Ang ilan sa mga kompanyang matatagpuan dito ang isa sa pinakamalaking pagawaan ng gamit pang elektroniko, ang "Texas Instruments", ang MOOG na gumagawa ng mga piyesang pang makina, at ang SiTEL na isang "BPO Company" o mas kilala sa tawag na "call center".

Kultura

Ang Lungsod ng Baguio ay isang lugar na kung saan nagtatagpo ang mga iba't ibang kultura.

Mga barangay

Nahahati ang lungsod ng Baguio sa 129 barangay.

  • Apugan-Loakan
  • Asin Road
  • Atok Trail
  • Bakakeng Central
  • Bakakeng North
  • Happy Hollow
  • Balsigan
  • Bayan Park West (Bayan Park)
  • Bayan Park East
  • Brookspoint
  • Brookside
  • Cabinet Hill-Teacher’s Camp
  • Camp Allen
  • Camp 7
  • Camp 8
  • Campo Filipino
  • Crystal Cave
  • City Camp Central
  • City Camp Proper
  • Country Club Village
  • Cresencia Village
  • Dagsian, Upper
  • DPS Area
  • Dizon Subdivision
  • Quirino Hill, East
  • Engineers' Hill
  • Fairview Village
  • Fort del Pilar
  • General Luna, Upper
  • General Luna, Lower
  • Gibraltar
  • Greenwater Village
  • Guisad Central
  • Guisad Sorong
  • Hillside
  • Holy Ghost Extension
  • Holy Ghost Proper
  • Imelda Village
  • Irisan
  • Kayang Extension
  • Kias
  • Kagitingan
  • Loakan Proper
  • Lopez Jaena
  • Lourdes Subdivision Extension
  • Dagsian, Lower
  • Lourdes Subdivision, Lower
  • Quirino Hill, Lower
  • General Emilio F. Aguinaldo
  • Lualhati
  • Lucnab
  • Magsaysay, Lower
  • Magsaysay Private Road
  • Aurora Hill Proper
  • Bal-Marcoville (Marcoville)
  • Quirino Hill, Middle
  • Military Cut-off
  • Mines View Park
  • Modern Site, East
  • Modern Site, West
  • New Lucban
  • Aurora Hill, North Central
  • Sanitary Camp, North
  • Outlook Drive
  • Pacdal
  • Pinget
  • Pinsao Pilot Project
  • Pinsao Proper
  • Puliwes
  • Pucsusan
  • MRR-Queen Of Peace
  • Rock Quarry, Lower
  • Salud Mitra
  • San Antonio Village
  • San Luis Village
  • San Roque Village
  • San Vicente
  • Santa Escolastica
  • Santo Rosario
  • Santo Tomas School Area
  • Santo Tomas Proper
  • Scout Barrio
  • Session Road Area
  • Slaughter House Area
  • Sanitary Camp South
  • Saint Joseph Village
  • Teodora Alonzo
  • Trancoville
  • Rock Quarry, Upper
  • Victoria Village
  • Quirino Hill, West
  • Andres Bonifacio
  • Legarda-Burnham-Kisad
  • Imelda R. Marcos (La Salle)
  • Lourdes Subdivision, Proper
  • Quirino-Magsaysay, Upper
  • A. Bonifacio-Caguioa-Rimando
  • Ambiong
  • Aurora Hill, South Central
  • Abanao-Zandueta-Kayong-Chugum
  • Bagong Lipunan (Market Area)
  • BGH Compound
  • Bayan Park Village
  • Camdas Subdivision
  • Palma-Urbano (Cari?o-Palma)
  • Dominican Hill Mirador
  • Alfonso Tabora
  • Dontogan
  • Ferdinand (Happy Homes-Campo)
  • Happy Homes (Happy Homes-Lucban)
  • Harrison-Claudio Carantes
  • Honeymoon (Honeymoon-Holy Ghost)
  • Kabayanihan
  • Kayang-Hilltop
  • Gabriela Silang
  • Liwanag-Loakan
  • Malcolm Square-Perfecto
  • Manuel A. Roxas
  • Padre Burgos
  • Quezon Hill, Upper
  • Rock Quarry, Middle
  • Phil-Am
  • Quezon Hill Proper
  • Middle Quezon Hill Subdivision
  • Rizal Monument Area
  • SLU-SVP Housing Village
  • South Drive
  • Magsaysay, Upper
  • Market Subdivision, Upper
  • Padre Zamora

Media

AM Radio Stations

  • DZWT 540 Radyo Totoo Baguio (Mountain Province Broadcasting Corporation/Catholic Media Network)
  • DZRH 612 Baguio (Relay Station of DZRH 666 Manila) (Manila Broadcasting Company)
  • DZEQ Radyo Pilipinas 999 Baguio (Philippine Broadcasting Service)
  • DZWX Bombo Radyo Baguio 1035 (Bombo Radyo Philippines/People's Broadcasting Service)
  • DZBS Radyo Ronda Baguio 1368 (Radio Philippines Network/Nine Media Corporation & Aliw Broadcasting Corporation)
  • DWBB Super Radyo Baguio 1413 (GMA Network, Inc.)

FM Radio Stations

  • 89.5 Star FM Baguio (Bombo Radyo Philippines/People's Broadcasting Service)
  • RJFM 91.1 Baguio (Relay Station of RJFM 100.3 Manila) (Rajah Broadcasting Network, Inc.)
  • 91.9 Easy Rock Baguio (Manila Broadcasting Company/Cebu Broadcasting Company)
  • Barangay FM 92.7 Baguio (GMA Network, Inc.)
  • 93.5 Brigada News FM Baguio (Brigada Mass Media Corporation)
  • 95.1 Love Radio Baguio (Manila Broadcasting Company/Love Radio Network)
  • 95.9 Big Sound FM Baguio (Vanguard Radio Network)
  • 96.7 K-Lite Baguio (Beta Broadcasting System)
  • Cool 97.5 (UBC Media)
  • 98.7 Z Radio Baguio (Benguet Broadcasting Corporation/University of Baguio)
  • 99.9 Country Baguio (Mountain Province Broadcasting Corporation/Catholic Media Network).
  • Radyo5 102.3 News FM Baguio (Relay Station of Radyo5 92.3 News FM Manila) (Nation Broadcasting Corporation/TV5 Network Inc.)
  • MOR 103.1 Baguio For Life (ABS-CBN Corporation)
  • I FM 103.9 Baguio (Radio Mindanao Network)
  • 105.1 Q Radio (Relay Station of 105.1 Q Radio Manila) (Mareco Broadcasting Network, Inc.)
  • 107.1 Memories FM Baguio (Primax Broadcasting Network)

TV Stations

  • ABS-CBN TV-3 Baguio (Originating Station)
  • IBC TV-6 Baguio
  • PTV-8 Baguio (Originating Station)
  • GMA TV-10 Baguio (via Dagupan's Originating Station)
  • RPN TV-12 Baguio (Originating Station)
  • TV Natin Channel 22 Baguio
  • GMA News TV-24 Baguio
  • BEAM TV-26 Baguio
  • TV5 Channel 28 Baguio
  • ABS-CBN Sports+Action Channel 30 Baguio
  • ETC Channel 34 Baguio
  • 5 Plus Channel 36 Baguio
  • RJTV Channel 38 Baguio
  • Sonshine TV-40 Baguio
  • UNTV Channel 44 Baguio
  • Net25 Channel 46 Baguio
  • One Media Network Channel 48 Baguio

Cable Providers

News and Public Affairs Programs

  • TV Patrol North Luzon (ABS-CBN TV-3 Baguio)
  • Bagong Morning Kapamila (ABS-CBN TV-3 Baguio)
  • News Patrol North Luzon (ABS-CBN TV-3 Baguio)
  • PTV Cordillera Newsbreak (PTV-8 Baguio)
  • Kangrunaan a Damag (PTV-8 Baguio)
  • Isya @ Serbisyo with Eddie Carta (Friday Talk Show) (PTV-8 Baguio)
  • Be Unrivaled with Jianlin F. (PTV-8 Baguio)
  • Balitang Amianan (GMA TV-10 Dagupan)

Religious Programs

  • Word of God Network (GMA Regional TV)

Newspapers

  • SunStar Baguio
  • Herald Express
  • Baguio Chronicles
  • Baguio Midland Courier
  • Zigzag Weekly
  • Manila Bulletin
  • The Philippine Star

Mga larawan

Mga sanggunian

  1. "Province:". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Lungsod ng Baguio, Benguet Climatological Normal Values". Pangangasiwa ng Philippine Atmospheric, Geophysical at Astronomical Services. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Setyembre 2018. Nakuha noong 1 Setyembre 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Lungsod ng Baguio, Benguet Climatological Values". Pangangasiwa ng Philippine Atmospheric, Geophysical at Astronomical Services. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 2018. Nakuha noong 1 Setyembre 2018. {{cite web}}: Check date values in: |archivedate= (tulong)
  5. Census of Population (2015). "Cordillera Administrative Region (CAR)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Census of Population and Housing (2010). "Cordillera Administrative Region (CAR)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Censuses of Population (1903–2007). "Cordillera Administrative Region (CAR)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: url-status (link)
  8. "Province of". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-04-08. Nakuha noong 2009-07-05.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-03. Nakuha noong 2009-07-05.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga Kawing Panlabas