Biñan
Biñan ᜊ̊ᜈᜈ̟ Lungsod ng Biñan | |
---|---|
larawan ng Laguna na nagpapakita ng kinaroroonan ng Biñan. | |
Mga koordinado: 14°20′N 121°05′E / 14.33°N 121.08°E | |
Bansa | Pilipinas |
Rehiyon | Calabarzon (Rehiyong IV-A) |
Lalawigan | Laguna |
Distrito | Nag-iisang Distrito ng Biñan |
Mga barangay | 24 (alamin) |
Pagkatatag | 1688 |
Pamahalaan | |
• Punong Lungsod | Walfredo "Arman" B. Dimaguila Jr. |
• Manghalalal | 223,491 botante (2022) |
Lawak | |
• Kabuuan | 43.50 km2 (16.80 milya kuwadrado) |
Populasyon (Senso ng 2020) | |
• Kabuuan | 407,437 |
• Kapal | 9,400/km2 (24,000/milya kuwadrado) |
• Kabahayan | 117,720 |
Ekonomiya | |
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng bayan |
• Antas ng kahirapan | 5.75% (2021)[2] |
• Kita | (2022) |
• Aset | (2022) |
• Pananagutan | (2022) |
• Paggasta | (2022) |
Sona ng oras | UTC+8 (PST) |
Kodigong Pangsulat | 4024 |
PSGC | 043403000 |
Kodigong pantawag | 49 |
Uri ng klima | Tropikal na monsoon na klima |
Mga wika | wikang Tagalog |
Websayt | binan.gov.ph |
Ang Lungsod ng Biñán ay isang unang uring Lungsod sa lalawigan ng Laguna, Pilipinas. Mula sa Kalakhang Maynila, ang Biñan ay mararating sa pamamagitan ng South Luzon Expressway. Ang Biñan ay naging katulad ng pamayanang maunlad ng Kalakhang Maynila at ang pook ng pinakamamalaking pagawaan at isang pook tagagawa ng pang-angkat sa Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 407,437 sa may 117,720 na kabahayan.
Ang Biñan ay ang ikalawang bayan na madadaanan mula sa Kalakhang Maynila patungong Timog. Ang bayan ng Biñan ay kasama sa tatlong bumubuo sa unang distrito ng Laguna.
Mga Barangay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang bayan ng Biñan ay nahahati sa 24 na mga barangay.
|
|
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pangalang ng bayan ay pinaniniwalaang nagmula sa salitang "binyagan". Natuklasan ng mga Kastila ang Biñan noong huling bahagi ng ika-6 na buwan 1571, isang buwan pagkatapos itatag ni Miguel Lopez de Legazpi ang Maynila ayon sa mga matatandang kasulatan.
Noong 1769, ang punong bayan panlalawigan ay inilipat mula Bay patungong Pagsanjan, ang Biñan ay inihiwalay sa Bay at naging bahagi ng Santa Rosa. Noong 1771, noong panahon ni Pablo Faustino, ang Biñan ay inihiwalay mula sa Santa Rosa at naging isang bayan.
Ayon sa kasaysayan, ang Biñan ay kilala sa buong bansa dahil sa pagkakasali nito sa aklat ng talambuhay ni José Rizal, ang pambansang bayani. Sinasabi na tumira si Jose Rizal malapit sa nasabing bayan noong kabataan pa niya at nakapag-aral sa isang paaralang matatagpuan dito. Ang pangalan ng paaralan na pinasukan ni Jose ay hindi alam. Sa pag-alala kay Jose Rizal, isang "plake" ng pagkilala ang inilagay kung saan siya nanatili. Isang "monumento" naman ang itinayo sa gitna ng "plaza" ng Biñan, para ipaalala na minsan ay naging bahagi ng bayan ang pambansang bayani.
Ekonomiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Biñan ay kilalang gitna ng kalakalan sa mga kalapit nitong mga bayan sa katimugan tulad ng mga bayan ng San Pedro, Santa Rosa, Carmona, Silang at punong hukbo Mariano Alvarez. Kadalasan ang mga nagtitinda sa mga palengke ng bayang kalapit nito ay dumadayo dito upang bumili ng kanilang paninda.
Isang pangkaraniwan na tanawin dito ay ang nga naghahanda at nag-aayos ng mga paninda sa kanila kanilang mga kinalalagyan, ang iba pa nga ay sa mga daan at masisikip na daanan pa nagtitinda, isa pa ay ang pagdating ng mga dyip at trak na may dala-dalang iba't ibang uri ng bunga, gulay, mga "produktong" gawa sa mantikilya, laman ng hayop, isda, asukal atbp. Ang palengke ng Biñan ay halos bukas 24 "oras" na ang "oras" nagdagsaan ay tuwing umaga (5:00 - 8:00 NU) dahil kilala ang mga Filipino na maaga nagsisimulang maghanapbuhay pagkat nais nilang iwasan ang matinding sikat ng araw sa tanghali.
Kilala rin ang bayan na sa paggawa ng mga masasarap na kakanin na may mga sahog sa ibabaw nito (Puto Biñan). Ang pinakakilalang gumagawa ng Puto sa Biñan ay matatagpuan sa barangay San Vicente.
Marami rin iba't-ibang hanapbuhay ang mga tao dito tulad ng paggawa ng tsinelas at sapatos atbp.
Edukasyon o Pag-aaral
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Biñan ay kinikilala na ring gitna ng pag-aaral sa unang "distrito" ng Laguna, dahil ito ang may pinakamaraming bilang ng mataas at mababang paaralan sa pook. Ang mga kilalang mga paaralan na matatagpuan sa bayan ay ang sumusunod:
- Brent International School Manila
- The Beacon Academy
- Colegio San Agustin – Biñan
- University of Perpetual Help Biñan
- Sta. Catalina College
- Saint Michael's College of Laguna
- Lake Shore Educational Institution
- La Consolacion College Biñan
- Don Bosco Global College
- Biñan City Science and Technology High School
Demograpiko
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Pop. | ±% p.a. |
---|---|---|
1903 | 9,563 | — |
1918 | 10,692 | +0.75% |
1939 | 16,238 | +2.01% |
1948 | 20,794 | +2.79% |
1960 | 33,309 | +4.00% |
1970 | 58,290 | +5.75% |
1975 | 67,444 | +2.97% |
1980 | 83,684 | +4.41% |
1990 | 134,553 | +4.86% |
1995 | 160,206 | +3.32% |
2000 | 201,186 | +5.00% |
2007 | 262,735 | +3.75% |
2010 | 283,396 | +2.79% |
2015 | 333,028 | +3.12% |
2020 | 407,437 | +4.04% |
Sanggunian: PSA[3][4][5][6] |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑
"Province: Laguna". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population (2015). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population and Housing (2010). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Censuses of Population (1903–2007). "Region IV-A (Calabarzon)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: url-status (link) - ↑
"Province of Laguna". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Philippine Standard Geographic Code Naka-arkibo 2012-04-13 sa Wayback Machine.
- 2010 Philippine Census Information Naka-arkibo 2012-06-25 sa Wayback Machine.