Pumunta sa nilalaman

Louis de Broglie

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Louis de Broglie
Kapanganakan15 Agosto 1892(1892-08-15)
Kamatayan19 Marso 1987(1987-03-19) (edad 94)
NasyonalidadPranses
NagtaposSorbonne
Kilala saKatangiang alon ng mga elektron
alonghaba na de Broglie
ParangalGantimpalang Nobel sa Pisika (1929)
Karera sa agham
LaranganPisika
InstitusyonSorbonne
Pamantasan ng Paris
Doctoral advisorPaul Langevin
Doctoral studentJean-Pierre Vigier
Alexandru Proca

Si Louis-Victor-Pierre-Raymond, ika-7 Duke ng Broglie, FRS (IPA: /dəˈbrɔɪ/; Pranses: [də bʁœj]  ( pakinggan); Dieppe, Pransiya, 15 Agosto 1892 – Louveciennes, Pransiya, 19 Marso 1987) ay isang Pranses na pisiko at matematiko, na naging laureado ng Gantimpalang Nobel noong 1929. Siya ang nakatuklas na ang mga elektron ay mayroong dalawang "kalikasan" o mga katangian na kahalintulad ng kapwa mga partikulo at mga alon. Siya ang ika-labing-anim na miyembrong nahalal na humawak ng "upuan bilang 1" (pangunahing upuan) ng Akademyang Pranses noong 1944 at nagsilbing pangmatagalang kalihim ng Pranses na Akademya ng mga Agham.