Pumunta sa nilalaman

Nueva Ecija

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Nueva Ecija
Lalawigan ng Nueva Ecija
Watawat ng Nueva Ecija
Watawat
Opisyal na sagisag ng Nueva Ecija
Sagisag
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Nueva Ecija
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Nueva Ecija
Map
Mga koordinado: 15°35'N, 121°0'E
Bansa Pilipinas
RehiyonGitnang Luzon
KabiseraPalayan
Pagkakatatag25 Abril 1801
Pamahalaan
 • UriSangguniang Panlalawigan
 • GobernadorAurelio Umali
 • Manghalalal1,541,685 na botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan5,751.33 km2 (2,220.60 milya kuwadrado)
Populasyon
 (senso ng 2020)
 • Kabuuan2,310,134
 • Kapal400/km2 (1,000/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
572,583
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng lalawigan
 • Antas ng kahirapan10.00% (2021)[2]
 • Kita(2020)
 • Aset(2020)
 • Pananagutan(2020)
 • Paggasta(2020)
Pagkakahating administratibo
 • Mataas na urbanisadong lungsod0
 • Lungsod5
 • Bayan27
 • Barangay849
 • Mga distrito4
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigo postal
3100–3133
PSGC
034900000
Kodigong pantawag44
Kodigo ng ISO 3166PH-NUE
Klimatropikal na monsoon na klima
Mga wikawikang Kapampangan
wikang Tagalog
Southern Alta
Umiray Dumaget
Websaythttps://www.nuevaecija.ph/
Mala-ginto na langit sa Nueva Ecija

Ang Nueva Ecija (Filipino: Bagong Esiha/Nuweba Esija) ay isa sa walang pampang na lalawigan sa Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Gitnang Luzon. Ang Lungsod ng Palayan ang kapital nito. Napapalibutan ang Nueva Ecija ng Bulacan, Pampanga, Tarlac, Pangasinan, Nueva Vizcaya, Zambales, Bataan at Aurora.

Ang pamilihan sa bayan ng Bongabon

Tinuturing na pangunahing nagpapatubo ng palay na lalawigan sa Pilipinas ang Nueva Ecija. At saka ang nangungunang taga-gawa ng mga sibuyas (sa munisipalidad ng Bongabon) sa Timog-silangang Asya. Sikat din rito ang mga Gatas ng Kalabaw, gulay at prutas na inaani ng Nueva Ecija.

Nahahati ang Nueva Ecija sa 27 mga munisipalidad at 5 mga lungsod.

Nabuo ang Nueva Ecija bilang isang comandancia militar noong 1777 sa pamamagitan ni Gobernador Heneral Clavería[kailangan ng sanggunian], kasama ang kapital sa Baler (bahagi na ngayon ng Aurora). Dating kabilang sa lalawigan ng Pampanga. Mula sa pagkatatag nito sa simula, lumaki ang lawak ng lupain upang sakupin ang buong pulo ng Luzon. May mga talaan ng mga Kastila na kinikilala ang 2 Kastilang lalawigan (county) sa Pasipiko —Las Islas Filipinas at Nueva Ecija. Kahirapan ang naging dahilan kung bakit hindi binigyan na pagkilala ng Hari ng Espanya noong dekada 1840 ang Nueva Ecija bilang isang hiwalay ng bansa sa Pilipinas. Mula 1777 hanggang 1917, nahati ang teritoryo ng Nueva Ecija upang magbigay daan sa paglikha ng ibang lalawigan. Ang lalawigan ng Tayabas (Aurora at Quezon ngayon) kabilang ang mga pulo ng Polilio, ang lalawigan ng Palanan (Isabela ngayon), Cagayan, ang lalawigan ng Nueva Vizcaya, ang teritoryo na naging kabilang sa Lalawigan ng Quirino, at ang lalawigan ng Maynila hilaga ng lalawigan ng Tondo noong 1867, at ang Distrito ng Morong (Rizal ngayon) ay nalikha mula sa Nueva Ecija.

Ipinangalan ang lalawigan sa lumang lungsod ng Écija sa Sevilla, Espanya.

Noong 1896, isa ang Nueva Ecija sa mga unang lalawigang nag-alsa laban sa Espanya, at isa sa mga lalawigan na nagdeklara ng kalayaan noong 1898.

Unang Sigaw ng Nueva Ecija

[baguhin | baguhin ang wikitext]
General Manuel Tinio, dating gobernador of Nueva Ecija

Ang "Unang Sigaw ng Nueva Ecija" ay isang pag-aaklas nong 1896 sa pangunguna ni Heneral Mariano Llanera, na inagapayan nina Heneral Manuel Tinio at Pantaleon Valmonte ng Bayan ng Gapan, Nueva Ecija and kolonel Alipio Tecson ng Cabiao, Nueva Ecija na kamalaunan ay naging Brigadyer Heneral. Ang pag-aaklas ay ginanap sa Cabiao, Nueva Ecija. Si Alipio Tecson ay naging Governadorcillo naman ng Cabiao, Nueva Ecija.[3]

Ipinokrama ni Heneral Emilio Aguinaldo ang San Isidro, Nueva Ecija bilang kapitolyo ng Kauna-unahang Republika ng Pilipinas noong 29 Marso 1899. Si Heneral Aguinaldo ay nanirahan sa bahay na ito na pag-aari ni Crispulo "Kapitan Pulong" Sideco na noon ay naging de facto Philippine capitol. Noong dumating ang mga Amerikano sa bayan ng San Isidro, ang Sideco House ang naging tang-gapan ni Col. Frederick Funston na siya ring nakadakip kay Heneral Aguinaldo sa Palanan, Isabela. Sa bahay rin na ito pinag-usapan ang pagdakip kay Heneral Aguinaldo.

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Province: Nueva Ecija". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "2021 Full Year Official Poverty Statistics of the Philippines" (PDF). Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 15 Agosto 2022. Nakuha noong 28 Abril 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "HISTORY OF "UNANG SIGAW NG NUEVA ECIJA"". Ginto ang Inaani.[patay na link]